Tips To Get Your Loan Approved


          Nasubukan mo na bang mag-loan at hindi na-approve and iyong request? Kung oo ang sagot mo, isa ka sa libo-libong applicants kada araw na nade-deny ng mga bank at lending companies dito sa Pilipinas. Hindi naman natin masisi ang mga companies na ito dahil nag-iingat din sila sa kanilang negosyo. Bilang mangungutang, obligasyon naman natin na ipakita o patunayan sa mga nagpapautang na kaya din nating bayaran ang pera na gusto nating i-loan.

          Ano nga ba ang mga dapat natin gawin para mas mataas ang posibilidad na ma-approve ang ating loan request? Para sa topic na ito, intindihin muna natin kung bakit nga ba tayo nade-deny ng mga lending companies. Bakit? Maraming pwedeng maging sagot pero kadalasan ay dahil wla tayong solid proof na kaya nating bayaran ang ating hinihiling na loan. Oo, alam ko ang sasabihin mo na kaya naman natin talagang bayaran. Dito natin titignan kung ano nga ba ang mga tips at tricks para ma-aprubahan tayo.

1.) Magbigay ng Accurate na Information
Trust o tiwala tto ang pinakauna na dapat mong tandaan pag ikaw ay maglo-loan. Ang pangungutang ay nagsisimula sa pag-build ng tiwala sa isa't isa. Walang nagpapautang sa taong mababa ang credibilidad at hindi trustworthy. Kahit ikaw siguro ay hindi magpapautang sa taong hindi nagbibigay ng totoong impormasyon sa kanyang sarili. Kung hindi ka naging makatotohanan sa pagbibigay ng information sa mga loan application form, interview, etc at nalaman nila ito, sigurado ako na hindi ka nila papa-utangin at malala pa kung ikaw ay ilalagay sa blocklist ng company nila. 

2.) Maging Realistic Sa Uutangin
"Pwede po ba akong mangutang ng P100,000? Wala po akong trabaho pero gagamitin ko po sa investment ang pera sana na loan ko." Hindi. Maging makatotohanan naman tayo sa limitasyon na pwede nating i-loan. Pwede siguro ang mga ganyang bagay pero sa business loan ka magpunta kailangan mong ipresemt ang mga business plans mo at iba pang requirements. Ang unang magiging basehan ng ibibigay na loan sayo ay ang iyong income. Hindi ka nila pahihiramin ng halaga na alam nilang hindi mo kaya or mahihirapan kang bayaran. Kaya kung ikaw ay maglo-loan maging realistic din tayo.

3.) I-Maintain ang Magandang Credit Record
Sa Cebuana Lhuillier meron silang tinatawag na Happy Loan, Happier at Happiest. Happy loan ang tawag sa unang loan mo na pwedeng umabot ng hanggang P5000 at may interest na 5% monthly. Kapag maganda ang credit record mo, nagbabayad ka sa tamang panahon at nababayaran mo ang iyong utang pwede kang mag upgrade sa Happier at Happiest na may mas malaking maximum credit limit at mas mababang interes. Pero ang isang magandang dulot pa nito ay mas mabilis ang proseso ng mga susunod na loan mo dahil nagtitiwala na sa iyo ang Cebuana Lhuillier. Ganito rin sa ibang companies. Mas mapapadali ang approval ng loan request mo kung mayroon kang malinis at maayos na credit record. Ugaliin ang pagiging mabuting borrower para sa susunod na mangailangan ka ulit, hindi sila mag-aatubiling bigyan ka ng tulong.


No comments:

Post a Comment