Paano Maka-iwas Sa Scam?
Nabasa mo ba ang conversation sa taas? Nakakaawa di ba? Ano sa tingin mo ang dahilan bakit may mga ganyang tao? Bakit may mga tao na hindi na naawa at nanloloko ng kaniyang kapwa? At bakit heto naman si ate na naniwala agad sa sinabi ng hindi niya kakilala? Ito ay isang halimbawa ng scam o bogus sa Facebook. Maraming iba't ibang modus ang mga scammers pero kadalasan ginagamit nila ang matatamis na pangako para mambiktima.
Karamihan sa atin na ordinaryong gumagamit ng Facebook araw-araw, wala tayong 100% na solusyon para malaman ang scammers na nakakasalamuha natin sa social media. Meron lang tips na pwede mong gawin para hindi ka mahulog sa kanilang mga bitag.
Kung ikaw ay nakikipag-transact sa taong nakilala mo lamang gamit ang Facebook, siguraduhin ang pagkatao ng iyong kausap. Totoo ba siya at hindi fake account lang? Ang Facebook accounts ay napakadaling gawin. Gamit lang ang iyong Cellphone o Laptop, pwede ka ng gumawa ng account sa loob lamang ng 5 minutes kaya naman huwag agad tayong magtiwala kung may nakaka-chat sa social media. Kung gusto mong malaman ang ibang tips para malaman ang mga fake accounts sa FB, basahin mo ang article sa link na ito. Sa mga Facebook groups naman katulad na Utangan Online Forum (UOF) maraming nagkakakilala dahil matagal na silang miyembro dito kaya naman pwede din na magtanong sa mga ka-members kung may nakakakilala sa taong gusto mong makatransact.
Re: How To Spot Fake FB Accounts
"Legit check" ito ang kadalasan ginagawa ng mga members sa isang group katulad ng UOF. Wala kang ibang gagawin kundi ipost ang pangalan ng tao na iyong ka-transact sa group para makita ng members kung genuine ba o scammer yan. Ang isang kagandahn ng nagpapalegit check ay nakakatulong ka din sa ibang miyembro ng grupo. Kung scammer man ang ka-transact mo, malalaman ng ibang members, pati na rin kung genuine ito. Bilang admin at moderator ng ibat ibang FB groups ini-encourage namin ang mga members n mag-legit check bago ang anuman na transaction. Pero mag-ingat pa din dahil meron mga scammer na may mga kasabwat din na member sa group o kaya naman maraming accounts na kunyare magsasabing "legit" ang tinatanong mo. Maaari kang magjoin sa Facebook Group dito sa link para sa mga lists ng scammers ng iba't ibang grupo.
Re: Scammers List And Legit Checking Group (Philippines)
Ang mga scammers sa Group na katulad ng UOF ay nakakapang-biktima gamit ang salitang Processing Fee, Registration Fee, Membership Fee, etc. Ang style nito ay dapat magbayad ka ng alin man sa nakasulat sa taas para makuha mo ang iyong loan or utang. Huwag tayong maniwala sa ganyan na modus. Uulitin ko huwag kang magbibigay ng pera para sa ganyan na transaction . Kung meron mang Processing Fee, ibabawas yan sa halaga na nais mong i-loan. Kaya nga tayo mangungutang ay dahil wala tayong pera. Kapag naibigay mo na ang hinihinging halaga saka na yan maglalaho na parang bula. Palaging tandaan na huwag magbibigay muna ng pera kung wala kang assurance na matatanggap sa serbisyo o produkto na matatanggap sa isang tao.
Ang pinaka-safe na gawin sa lahat ay ang meet-ups. Kung hindi mo kakilala ang tao at hindi siya lehitimong company na walang government license at office address mas mabuting makipagkita ka na lang sa kanya. Humingi ka ng valid government issued ID at kunan ng photo gamit ang iyong phone. Mas maganda kung alam mo ang kanyang Address o tirahan. Maging mapanuri sa ating mga transactions sa facebook. Sabi nga nila, walang manloloko kung walang nagpapaloko.
No comments:
Post a Comment