Ang Pera 247 ay isa sa pinakabagong mobile app na nag-ooffer ng mabilisang cash loan dito sa Pilipinas. Sa loob lamang ng 24 hours ay pwede ng maapprove ang iyong loan request. Para sa mga unang beses mag-loan sa Pera 247, ang minimum na pwede mong ma-request ay P2500 at maximum naman ay P15000. Kumpara sa ibang loan apps, mas malaki ang ino-offer nila dito. Ang interest rate sa kanila ay nasa .7%-.8% daily or 21-24% monthly at may karagdagan na 5% para sa processing fee. Ito ay average na rate lamang para sa mga fast loan at lending services.
Pwede Ka Bang Mag-Apply?
Ang mga sumusunod ay mga conditions para makapag-apply ng loan sa Pera 247:
- Employed o may stable na source of income. Halimbawa negosyo o kaya naman ay remittance.
- May Android na Smartphone para sa Pera 247 Mobile App
- May active na email address na atleast 6 months nang ginagamit.
- Ikaw ay Filipino citizen.
- Ikaw ay nakatira sa Pilipinas
- At mayroong 2 ID ng alin sa mga sumusunod
Philippine Driver’s License
Tax Identification ID
Seaman’s Book
NBI Clearance
Digitized Postal ID
Police Clearance
Senior Citizen ID
Voter’s ID
Paano Mag-Loan?
Napakasimple lang ng pag-loan sa Pera 247 kung oo lahat ang sagot mo sa requirements sa taas. Ang gagawin mo na lang ay i-download ang Pera 247 Mobile App sa Google Playstore o kaya sa link na ito. Mgregister at mag fill-up sa ibibigay na application form. Huwag kalimutan na i-submit ang mga documents or requirements na hinihingi. Pagkatapos ay wala ka ng ibang gagawin kundi hintayin sa loob ng 24 hours kung na-approve ang iyong loan.
Pano po kung atm po Yung remittance n pinapadala Sakin ng partner ko po
ReplyDelete