Ano ang UOF P2P Loan And Lending?
Ang UOF P2P Loan And Lending ay isang peer-to-peer na sistema na ginawa mula sa request ng mga group members sa Utangan Online Forum (UOF) ng mas mahigpit na regulations dahil sa dumaraming biktima ng scams at bogus na transactions online. Kailangan ng group na mas mahigpit at nakatutok lamang sa mga private lenders at borrowers kaya naman ito ang maibibigay namin na solution, ang UOF P2P Loan And Lending.
Ang sistema ng UOF P2P Loan And Lending ay tinatawag na peer-to-peer at pure na online kung saan tinatanggal ang middleman para sa mas madali, mas mabilis at kung ayon sa napag-uspan ay mas murang transactions. Ang group na ito ay nagsisilbing "matchmakers". Hindi kagaya sa UOF, ireregulate na ang posts ng mga members dito. Hindi na naka sentro ang group sa mga online lending companies katulad ng Tala, Moola at Pera 247. Priority na din ang posts ng lenders at hindi na rin papayagan ang posts katulad ng "Paano mangutang?", "May nagpapautang ba dito?", "Sino ang magpapautang sa akin" etc.
Sa group na ito, mayroong tatlong uri ng members.
1.) Ang Lender/Sponsor ang nagpapahiram ng pera sa group. Sa madaling salita, isa siyang negosyante. Lahat ay pwedeng maging lender at ini-encourage namin na maging lender para mas maraming matulungan na group-members. May karapatan ang lender na tumanggi at mamili kung sino ang kaniyang nais bigyan ng loan. Ang transcation ay mangyayari sa borrower at lender lamang at walang magiging role ang Group Admins and Mods. Ibig sabihin nito dahil binigyan siya ng kalayaan na mamili at mag-legit check ng kaniyang borrower, siya din ay dapat responsible sa lahat ng kaniyang desisyon. Mariin din na ipinagbabawal ang paghingi ng PF or Processing Fee at iba pang mga katulad nito na bayarin. Kung hihingi man ng PF ang isang lender, dapat ay bawas ito sa kaniyang ipapautang. Kung nais mong maging lender, huwag mahihiyang lumapit at makipag-usap sa mga Group Admin para sa mas productive na lending experience sa group.
2.) Ang borrower/debtor naman ay siyang karamihan n member sa group, sila ang nangungutang ng pera. Mas magiging mahigpit ang mga Group Admin sa pagkilatis ng borrower lalo sa pagpasok ng group dahil sila ang may tendency na tumakbo or hindi magbayad ng utang. Ang ilan sa requirement para maging isang borrower ay dapat 18 years old pataas at may trabaho o stable na source of income.
3.) Mayroon naman tayong tinatawag na Group Lenders/Cooperative. Sila yung bumuo ng group at pinagsama-sama ang kanilang pera upang ipautang ayon sa kanilang napag-usapan. Ito ay kadalasang ginagawa ng mga taong may pera at gustong i-invest pero walang oras para subaybayan ang kanilang mga borrowers.
Ang magiging trabaho ng Group Admin sa membership ay humingi ng basic information sa lahat ng gustong magjoin ng group katulad ng ID, genuine na FB account etc. kaya hindi magiging madali ang pag-join pero para na rin sa pangkalahatang kaayusan ng group. Bawal sa group ang 18 yrs old pababa at may karapatan ang mga Admins at Mods na mag-block ng member ayon sa kanilang kagustuhan.
Ang UOF P2P Loan And Lending ay isang non-profit na group. Walang sinisingil na kahit anong fee maging membership, application, processing fee o kahit ano man sa lenders, sponsors at borrowers. Ibig sabihin nito, ang mga Admins at Mods ay nakakapagtrabaho lang sa group ayon sa kanilang free time at kagustuhan.
Kung interested kang mag join sa group na ito, please follow this link: How to join UOF P2P Loan And Lending?
Kung interested kang mag join sa group na ito, please follow this link: How to join UOF P2P Loan And Lending?
Try JCT EZ Loan, they offer interest rate. I got my sme business loan on them.
ReplyDelete