How To Spot Fake Facebook Account
Paano Malaman Kung Ang Isang Facebook Account Ay Fake?
Ang pinaka-unang dapat mong malaman para maiwasan ang scam/bogus kung ikaw ay nakikipag-transact sa Facebook ay masiguro kung genuine account ba ang gamit ng iyong ka transaksyon. Karamihan sa mga scammer sa facebook ay gumagamit ng mga fake accounts para maitago nila ang kanilang mga sarili sa mga alagad ng batas. Ayon sa Facebook, may 47 million na Pilipino ang may facebook accounts ngunit 6% dito o halos 5 million ay mga dummy/bogus/fake. Tandaan, ang pag gawa ng account sa facebook ay madali lang gawin at hindi aabot ng 3 minutes kaya huwag magtiwala agad sa nakikita mo na facebook accounts. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga palatandaan na dapat mong suriin sa facebook account na bago mo pa lang nakakausap at nakakatransact.
1.) Typical na Pangalan ng Facebook Account
Ang mga pangalan katulad ng Anne Santos, Jane Reyes, John Ramos, etc ay ilan lamang sa mga pangalan na pinakamadaling isipin kung kaya nmn ito rin ang kadalasan na ginagamit ng mga scammer sa paggawa ng fake na accounts. Alam ng isang scammer na pansamantala lang ang gagawin niyang account kaya naman hindi niya ito pagpaplanohan ng matagal at mag-iisip ng mga mga pangalan na kakaiba o mukhang geniune. Kung ano lang ang naisip niya, yun na rin ang kanyang gagamitin.
2.) Minadaling Account
At dahil nga sa alam ng scammers na hindi nila ito gagamitin ng matagal, mamadaliin nila ang pag gawa at kung ano lang ang maisip yun ang ilalagay. Mapapansin mo ito sa halimbawa na ginamit ko sa taas bukod pa sa maling grammar na ginamit dito.
3.) Wala/Kaunti ang Friends
Sabi ko nga, 47 million ang Pilipino ang Facebook Users, halos kalahati ng population ng Pilipinas, ang genuine na facebook account ay may mga kaibigan o kakilala rin sa facebook kaya naman hindi lang 10,20,30, o 100 ang nasa friends list niya. Ang average na facebook user ngayon ay may hindi bababa sa 500 na friends.
4.) Bagong Gawa na FB Account
Ang unang titignan mo kung gusto mong maniguro sa pagiging genuine ng ka-transact mo sa Facebook ay malaman kung kailan ginawa ang kaniyang FB account. Kung ako ay isang scammer o gustong mang-scam, hindi ko gagamitin ang genuine account na ginawa ko pa nuong 2010 para hindi ako makilala. Gagawa ako ibang account na may ibang pangalan pero hindi ko maitatago na bagong gawa lang ang aking account.
5.) Pictures at Posts
Pagmasadan niyong maigi ang picture at posts ng isang tao, kadalasan hindi bababa sa 10 ang likes nito dahil ang genuine na FB account may kakilala sa totoong buhay para i-like at lagyan ng comments ang kanilang mga pictures. Kung ang account ng isang tao ay walang nag la-like o walang nagcocomment malamang hindi ito tunay na account.
6.) Gumamit ng Search Engine
I-google mo. Sa panahon ngayon na Information Age, ang iba sa mga gawain natin ay nailalagay sa internet kaya naman minsan kung susubukan mong i-search ang iyong pangalan ay makakakita ka ng mga bagay na nagawa mo o related sa'yo. Ganito din sa ibang tao, kaya pwede mong i-check ang pangalan ng iyong ka -transact sa google. May instances din kasi na ang scammer ay mag da-download ng picture ng isang tao at gagamitin din ang kaniyang pangalan kaya ang akala natin ay genuine account ito.
Ilan lamang ang mga yan sa mga simpleng paraan para makasiguro sa ating kausap, ka-chat at ka-transact gamit ang Facebook. Kung napansin mo na fake account ito, pwede mong i report sa Facebook ang account.
Sa ganitong paraan, matutulungan mo ang totoong may-ari ng pictures o pangalan at matutulungan mo din ang ibang maaaring ma-scam ng mga taong ito.

No comments:
Post a Comment