Paano Kumita sa UOF Gamit ang TALA Ph?
So nakapag-loan ka na sa TALA Ph? Kung hindi pa, subukan mo dahil napakadali lang ang mag-loan dito ID at smartphone lang ang kailangan mo. Syempre kailangan din ng internet para makapag connect ka sa loan application. Nandito ang instructions para diyan. Ngayon, nakapag-loan ka na at ang problema na naman natin ay kung saan kukuha ng pambayad. Kung madalas kang gumagamit ng Facebook o palaging nakatambay sa UOF bakit hindi mo gawin itong sideline? Wala kang mahirap na gagawin kundi ang mag-guide sa mga kapwa borrowers na mag-loan din sa TALA gamit ang iyong refferal code at ikaw mismo ay kikita ng Php100-Php150 kapag nakapag bayad ang nairefer mong tao.
Malamang hindi kalakihan ang 150 pero kung ikaw ay makakapag-refer ng 4 na tao ngayong araw at mabayaran nila ang utang nila makalipas ang isang buwan may PhP600 ka na na ibabawasa din sa iyong loan mismo sa TALA. Isipin mo na lang na ganito, may babayaran kang loan na Php3000 at makakapag pa refer ka ng kahit isang tao kada araw sa UOF, parang kikita ka din ng Php4500 sa susunod na buwan. Mas mataas pa ito kaysa sa inutang mo sa TALA. Kung araw-araw ka ba naman na nakatitig sa Facebook at sumusubaybay sa UOF group, pagkakitaan mo na yan.
Pagmasdan natin ang larawan na ito:
Kuha yan sa group insight ng UOF sa nakalipas na buwan ng November 2017. Ano ang ibig sabihin nito? Mayroong active members (ibig sabihin nagcocomment, nagpopost o nagla-like) ang group na 43,303 na kasalukuyang dumarami kung mapapansin mo sa graph at karamihan sa kanila ay naghahanap ng mauutangan! Ano naman ngayon? Ibig sabihin may libo-libong pwede mong mai-refer sa group, ganun lang yun ka simple. Ang gagawin mo na lang ay hanapin sila, i guide at ibigay ang iyong referral code!
Ito ay isa sa simple lamang ngunit legit na paraan para hindi tayo mabaon sa utang o mahirapan sa kakahanap ng pambayad utang. Sipag at tiyaga lang ang kailangan dito na kung tutuusin mas madali pa kaysa sa regular na trabaho. Maliban sa mababawasan ang iyong loan, nakatulong kapa sa kapwa mong UOF member sa pamamagitan ng pag-guide sa kanila.