Tala

Tala

Isa ang Tala sa may pinakamaraming gumagamit sa mga members ng UOF, mabilis ang transakyon at halos walang requirements para makaavail dito. Kaya naman patok na patok ang app na to sa ating mga Pinoy lalo na sa mga nangangailangan talaga ng mabilisan na pera. 


Ayon sa kanilang website, ang Tala ay nag umpisa sa Kenya ngunit maging sa Pilipinas isa ito sa finance center na tumutulong sa mga Pilipino. Ano naman ang kailangan para makapagloan dito? Smartphone! Yan lang ang iyong kailangan. Ang Interest rate ng TALA Microfinance ay nasa 11-15 percent kada buwan at pwedeng mag-loan sa halagang P2000 sa iyong unang loan. Kung ikaw ay may magandang record sa TALA, pwedeng umabot sa P25000 ang iyong maximum loan limit.


Paano Mag Apply ng Loan sa TALA?

1.) I-download at i-install ang TALA Mobile App sa link.
2.) Magregister
3.)I-download at I-install ang Coin.PH sa link. Dito ipapasok ang pera na loan request mo kaya siguruhin na magkapareho ang email adress at mobile number na ilalagay sa dito at sa TALA Mobile App.

4.) Bukasan ang TALA Mobile App at i-click ang "Apply Now"
5.) I-fill up ang bawat katanungan at detalye sa Application Form at ipasa. 
6.) Hintayin ang confirmation galing sa TALA at kapag naaprubahan, papasok sa iyong Coins.PH account ang iyong loan request.
7.) Kapag nakapasok na sa iyong Coin.PH account, pwede mo na itong i-withdraw via bank transfer o remittance centers.




No comments:

Post a Comment