Ano ang P3?
Bilang tugon sa direktiba ng Pangulo na maiangat ang MSME sector, nilikha ang Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3) ng gobyerno. Ito ay naglalayong tumulong sa mga maliliit na negosyante na humihiram sa kasalukuyan sa 5-6 lending para mapalago ang kanilang negosyo. Layunin nitong makapagbigay ng alternatibong mapagkukunan ng karagdagang puhunan na:
Mas mabilis na pautang – isang araw
Mas mababang interes – maximum 2.5% kada buwan
Magaan na pagbabayad – araw-araw/lingguhan ang koleksyon
Sino ang makikinabang sa P3?
Target ng programang ito na maabot ang mga maliit na negosyante na humihiram sa kasalukuyan sa 5-6 lending.
Magkano and pwedeng utangin sa P3?
Para sa mga nagnanais na mapalaki ang kanilang negosyo, makakahiram ng mula P5,000 hanggang P100,000 mula sa programa.
Saan pwedeng lumapit at mag-apply ng P3?
Maaring lumapit sa mga partner conduits ng Small Business Corporation (SB Corp). Maaari rin lumapit sa mga accredited na local na kooperatiba at organisasyon sa inyong lugar (ang kumpletong listahan ay maaring makuha mula sa mga opisina ng SB Corp at DTI o sa link na ito).
Source: http://www.dti.gov.ph/programs-projects/pondo-sa-pagbabago-at-pag-asenso
Ano ang mga requirements para makapag-apply sa P3 Program?
2 Government-issued IDs
Business Name Registration
Market Clearance
Mayor's Permit
Paano Mag-Apply?
1.) Kung kumpleto ang iyong requirements, pumunta sa pinakamalapit na Negosyo Center at humingi nga Application Form para sa P3 Program.
2.) I-fill-up ang Application Form at ipasa sa staff kasama ang iyong dalang requirements.
3.) Maari kang ma-interview para sa iyong background investigation o costumer intelligence(CI)
4.) Kung approved ang iyong request, hintayin na maibigay sa iyo ang loan amount.
paano po kung gusto mu pa lang magumpisa ng negosyo..ibig sabihin wla ka pang business permit.paanu po yun.salamat po.
ReplyDeletepaano yong gusto palang magsimula dahil nga sapandimic ay marami gustong mag umpisa ng pangkabuhayan. paano kami makakahiram para mkapag simula.
ReplyDeleteMGM Resorts Announces Opening of Hard Rock Casino in
ReplyDeleteHard Rock 대전광역 출장마사지 Hotel & Casino Las Vegas 부천 출장안마 is the second casino on the Las Vegas Strip to have reopened 시흥 출장안마 after being shuttered 남양주 출장마사지 in 창원 출장샵 November.