Mga Dahilan Kaya Hindi Ka Pinapautang
Hindi lahat ng nag-aapply ng loan ay siguradong approved agad. Sa totoo lang, mas marami pa nga ang nade-decline sa mga loan applicants kesa sa naa-approve. Hindi naman natin masisi ang mga lenders or loan officers dahil sila mismo ang nagbibigay ng requirements na kailangan nating i-provide bago nila tayo payagan na mag-avail ng loan. Narito ang ilan sa listahan na ibinigay ng isang UOF member na dahilan kung bakit hindi ka pinapautang.
1.Walang Source of Income.
Kapag tinanong mo kung paanu ka mababayaran kung walang trabaho sasabihin lang. ''Basta mababayaran kita maam.'' Ito ang pinakaunang gustong malaman ng isang nagpapautang tapos sasagutin mo ng "basta", hindi pwede ang ganun. Kahit sinong lender, company man yan, private o 56 siguradong hindi ka papautangin maliban na lang kung may collateral ka o kahit ano napanghahawakan sa'yo.
2. Walang Government ID o Anumang Pagpapatunay ng Kanyang Pagkakakilanlan.
Walang ID. Walang NBI clearance. Sasabihin lang na "Magtiwala ka lang maam". Pwede namang kumuha ng brgy ID at pag ibig ID. Mga libre lang ang mga yon. Kaya walang dahilan para hindi magkaroon ng ID.
3. Inconsistency.
Laging dahilan ay maysakit ang asawa, mga anak,pinsan, nanay, lola and so on. Emergency daw pampacheck up
Kung Emergency nga talaga bakit nagagawa pang magpost ng magpost na nanghihiram. Iba iba pa ang mga dahilan. Ipang handa lang pala ng birthday, o ipambibili ng mga gustong gamit lang pala. Tapos pag tiningnan mo ang profile naghahappy happy lang pala. ''Chillin' with my friends.'' Ang status. Jusko!
4. Sinungaling.
Maysakit ang nanay. Nagtrabaho ako sa BPO noon at ang mga pinsan ko ay ganun din ang trabaho. Hindi nyo ako maloloko na after a year pa may HMO kahit regular na. Kasi maraming BPO companies na right after regularization ay may HMO na at covered nito ang isang dependent. Kung single ka. Magulang ang dependents mo. KAYA WAG AKO. pag nabuking sa kasinungalingan, ib-block ako. Kagagaling
ng mga taong ito
5. Mga Facebook Dummy Account.
Paano naman magtititwala ang nagpapautang sayo kung haharap ka sa kanya na nakasuot ng maskara? O kahit sinong tao, magtititwala ka ba kung may gustong hingin sa'yo pero ayaw ipakita ang sarili at ibang tao ang ihinaharap?
6. Hindi Importante na Pag-gagamitan ng Uutangin
May ibang nagpapautang na tinitignan nila ang iyong ugali sa paghawak ng pera bilang isang criteria para ikaw ay pautangin. Sila yung hindi ka bibigyan ng pera kung ang panggagamitan mo ay mga luxuries ng buhay at hindi naman talaga kailangan. Halimbawa, mangungutang ka para makabili ng mamahalin na Iphone. Mangungutang para may pang-party. Mangungutang para may pang-travel. Pero wala ka namang stable na source of income.
By: Precious Joy Tan/UOF
Edited By: Juan Tamad
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment